Artikulo 1 (Layunin ng mga tuntuning ito)
Itinatakda ng mga tuntuning ito ang mga bagay na kinakailangan ng mga partisipante (na mula ngayon ay tatawaging mga "indibidwal na nais sumali" sa dokumentong ito) sa orientation meeting tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker (na mula ngayon ay tatawaging "orientation meeting" sa dokumentong ito) na isinasagawa ng Immigration Services Agency of Japan.
Ang orientation meeting ay pinangangasiwaan ng Rhino Connect Co., Ltd. (na mula ngayon ay tatawaging "kompanya" sa dokumentong ito) na nakakontrata sa Immigration Services Agency para "isagawa ang orientation meeting tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker upang itaguyod ang paggamit sa sistema ng Specified Skilled Worker.
Artikulo 2 (Pagsang-ayon sa mga tuntunin ng pagsali)
Kinakailangang sumang-ayon sa mga tuntuning ito upang sumali sa orientation meeting. Bukod pa rito, ituturing na sumasang-ayon sa mga tuntunin ang mga gumawa ng aplikasyon gamit ang application form (na mula ngayon ay tatawaging "web form" sa dokumentong ito) sa pagsali sa orientation meeting tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker.
Artikulo 3 (Aplikasyon sa pagsali)
Kinakailangang sumang-ayon sa nilalaman ng "Pangangasiwa sa personal na impormasyon" na bukod na itinakda, at pagkatapos ay gawin ang aplikasyon sa pagsali gamit ang web form.
Pagkatapos tanggapin ang aplikasyon sa pagsali, ipapaalam ng kompanya ang rehistrastyon sa aplikante at sa paggawa ng notipikasyon ay makukumpleto ang kontrata kaugnay sa mga tuntunin at kondisyon sa pagitan ng kompanya at indibidwal na nais sumali.
Artikulo 4 (Mga bagay na ipinagbabawal)
Ipinagbabawal ang sumusunod na mga gawain sa pagsali sa orientation meeting.
1. Pagpapanggap bilang third party.
2. Paghingi sa personal na impormasyon ng ibang partisipante o iba pang paraan ng pangangalap.
3. Sinasadyang guluhin ang pagsagawa ng orientation meeting.
4. Anumang paglabag sa intellectual property rghts, portrait rights, privacy rights, reputasyon o iba pang mga rights o interests ng Immigration Services Agency, ng kompanyang ito, o iba pang partido o third parties.
5. Paggawa ng anumang mga gawaing itinuturing na labag sa mga batas, regulasyon, at iba pa.
Artikulo 5 (Disclaimer)
Hindi pananagutan ng kompanyang ito ang anumang pinsalang maaaring natamo ng users kapag nakansela, naantala, ipinagpaliban, at iba pa ang orientation meeting sanhi ng natural na kalamidad, sunog, riots, o iba pang mga dahilan na hindi kayang kontrolahin ng kompanya.
Artikulo 6 (Copyright)
Ipinagbabawal ang anumang modipikasyon, duplikasyon, pagbabago, pagbenta, at iba pa ng mga materyales na ginamit sa orientation meeting pati mga copyrighted works. Ang copyrights ng mga materyales na ginamit sa orientation meeting at iba pang copyrighted works ay protektado sa ilalim ng international copyright treaties at copyright laws sa Japan.
Artikulo 7 (Namamahalang batas at saklaw na hukuman)
1. Ang mga tuntunin at kondisyong ito ay nasa pamamahala ng mga batas sa Japan.
2. Ang lahat ng mga pagtatalong maaaring mangyari sa pagitan ng user at kompanya kaugnay sa pagsali sa orientation meeting o sa mga tuntunin at kondisyong ito ay nasa eksklusibong hurisdiksyon o saklaw ng Tokyo District Court bilang court of instance.
Artikulo 8 (Pagbabago sa mga tuntunin ng paggamit)
1. Maaaring gawin ng kompanya ang pagbabago sa mga tuntunin at kondisyon ng paggamit kung kinakailangan nitong gawin kahit walang antimanong abiso sa users, pagkatapos makuha ang pag-apruba mula sa Immigration Services Agency. Bukod pa rito, ilalathala agad sa web form na ito at ipapaalam sa publiko sa oras na magkaroon ng pagbabago sa mga tuntunin at kondisyon.
2. Kailangang kumpirmahin ng users ang mga tuntunin at kondisyong ito tuwing gagawa ng aplikasyon gamit ang web form, at kung ginawa ang aplikasyon pagkatapos magkaroon ng pagbabago sa mga tuntunin at kondisyon, ituturing na sumang-ayon sa mga pagbabagong ginawa.
Artikulo 9 (Iba pa)
Sumasang-ayon ang partisipante nang antimano sa pagkuha ng Immigration Services Agency o ng kompanyang ito ng mga videos o larawan ng orientation meeting at naiintindihang maaaring gamitin ang nabanggit na videos o larawan para sa public relations sa websites, social media, printed materials, at iba pa kaugnay sa orientation meetings at iba pang programang isinasagawa ng Immigration Services Agency.
Artikulo 10. Wika
Ang mga Tuntunin ng Pagdalo ay ginawa sa wikang Hapon at isinalin sa Ingles. Ang teksto sa wikang Hapon ang orihinal at ang teksto sa Ingles ay para sa sanggunian lamang. Kung may anumang salungatan o hindi pagkakatugma sa pagitan ng dalawang teksto, ang teksto sa wikang Hapon ang mananaig.
Karagdagang probisyon
Ang mga tuntunin at kondisyong ito ay ipapatupad mula sa Hunyo buwan 30 araw, 2025.