Suportang maaaring tanggapin mula sa kompanya

Para sa mga dayuhang magtatrabaho sa status of residence na Specified Skilled Worker (i), maaaring tanggapin ang iba't-ibang tulong (suporta) sa panahon ng pagtrabaho at pamumuhay sa Japan mula sa kompanya (kung hindi puwede ang kompanya, ang Rehistradong organisasyon na nagbibigay ng suporta na inatasan ng kompanya). Ang sumusunod ay ang sampung tulong (suporta) na ipinagkakaloob.

1. Maaaring tumanggap ng paliwanag mula sa kompanya bago tanggapin ang status of residence.

Sa paggawa ng kontrata sa kompanya, maaaring hilingin sa kompanya na ipaliwanag ang "nilalaman ng kontrata, nilalalaman ng trabaho at iba pa" bago gawin ang aplikasyon para sa status of residence.

2. Paghatid at pagsundo sa panahon ng pagdating sa Japan at pag-uwi sa sariling bansa.

Sa pagdating sa Japan, ang kawani ng kompanya ang susundo sa airport, at maghahatid patungo sa kompanya o sa tirahan.
Sa pag-uwi sa sariling bansa, ang kawani ng kompanya ang sasama hanggang sa airport security check.

3. Suporta sa paghahanda sa bahay na titirahan, at paggawa ng kontrata sa elektrisidad at gas

Nagsisilbing guarantor para sa bahay na titirahan ng empleyado ng kompanya, at nagpapahiram sa tirahang pag-aari ng kompanya (pabahay ng kompanya).
Tumutulong din sa pagbukas ng account sa bangko, paggawa ng kontrata para sa mobile phone, elektrisidad at gas.

4. Pagpapaliwanag o orientation para sa pamumuhay

Ituturo ng kawani ng kompanya ang mga patakaran at tamang asal habang nasa Japan.
Itinuturo din kung paano sumakay sa bus at tren, at kung ano ang dapat gawin kapag may lindol at iba pa.

5. Pagsama sa oras ng paggawa ng mga pamamaraan at iba pa sa city hall

Sasama ang kawani ng kompanya upang tumulong sa paggawa ng mga pamamaraan sa city hall, tulad ng buwis at iba pa.
Tumutulong din sa pagsulat sa mga dokumento sa oras ng paggawa ng mga pamamaraan.

6. Suporta sa pag-aaral ng wikang Hapon

Ang kawani ng kompanya ay tutulong sa pagbigay ng gabay at iba pa ukol sa mga paaralan na kung saan maaaring mag-aral ng wikang Hapon.

7. Pagpupulong ukol sa konsultasyon, reklamo at iba pa

Maaaring gamitin ang sariling wika sa pagkunsulta at tumanggap ng payo kapag nagkaroon ng anumang problema.

8. Komunikasyon sa pagitan ng mga Hapon

Ang kawani ng kompanya ay tutulong sa pagbigay ng gabay ukol sa mga pagdiriwang sa lokalidad, pati paglikha ng oportunidad upang magawang makipag-usap sa mga residenteng Hapon na nasa paligid.

9. Suporta sa oras ng pagbabago ng trabaho (kapag napagsabihan ng kompanya na magbitiw sa trabaho)

Maaaring tumulong ang kompanya sa paghahanap ng susunod na trabaho, kapag napagsabihan ng kompanya na magbitiw sa trabaho.

10. Pagpupulong (higit sa isang beses sa tatlong buwan)

Isinasagawa ang regular na pagpupulong sa support leader ng kompanya. Maaaring kumunsulta kapag nagkaroon ng anumang problema sa trabaho.

Paksa

Ang sampung uri ng tulong (suporta) ay kailangang ipagkaloob ng kompanya sa mga dayuhan.
Sumangguni sa pinakamalapit na tanggapan ng Imigrasyon kung sakaling hindi sapat na natatanggap ang mga suportang nabanggit.