- HOME
- Tungkol sa Specified Skilled Worker
- Mga komento mula sa mga nagtatrabaho
Mga komento mula sa mga nagtatrabaho
Ipinapakilala ang komento ng mga aktuwal na nagtatrabaho sa status of residence na Specified Skilled Worker.
Industriya ng nursing
- Sa apat na taon na ginugol ko sa pagiging Kandidato bilang EPA nursing care worker, nadagdagan nang husto ang pagnanais kong magtrabaho bilang isang Nursing caregiver sa Japan, at kulang na lang ng 7 points sa Pambansang pagsusulit para sa nursing care worker, kaya nais kong subukan uli.
- Nais kong ipasa ang Pagsusulit para sa nursing care worker sa lalong madaling panahon, upang magturo sa Indonesia sa mga nagnanais maging Nursing caregivers sa Japan, at iparating ang kabutihang dulot ng Nursing.
Industriya ng Machine parts & tooling, Industrial machinery, Electric, electronics, and information industries (dating Industriya ng Machine parts & tooling)
- Mababait ang mga tao sa Japan, at maraming mga events na isinasagawa ng kompanya. Ganap ang sistema sa trabaho pati sa pribadong pamumuhay.
- Labis ang pag-aalala ako bago pumunta sa Japan, pero tinuruan ako nang husto ng aking senior colleagues at supervisors, na ikinagagalak ko dahil ngayon ay maaasahan na ako sa trabaho.
Industriya ng Machine parts & tooling, Industrial machinery, Electric, electronics, and information industries (dating Industriya ng industrial machinery)
- Bagama't puro paghihirap ang naranasan ko noong dumating ako sa Japan, lumakas ang loob ko sa pagtatrabaho at nadama ko ang halaga ng tulong na naibibigay ko sa aking pamilya. Ngayong nasanay na ako sa trabaho, ang susunod kong layunin ay ang paggawa ng mas mahusay na produkto sa mas mabilis na paraan.
- Nais kong matutunan ang asal, pag-isip ng mga Hapon, pati serbisyo at iba pa, at dalhin ito pagbalik ko sa Vietnam. Sa pagpunta ko sa Japan, nadama ko ang aking pag-unlad dahil nakamit ko sa sarili ang kakayahan na higit sa inaasahan ko.
Industriya ng construction
- Noong una akong pumunta sa Japan bilang Technical Intern Trainee, nahirapan ako dahil maraming dapat matutunan sa trabaho, pati sa pamumuhay.
- Pagkatapos kong bumalik sa bansa, mas naging matiwasay ang aking pamumuhay dahil nasanay na ako sa kultura at kostumbre ng Japan.
Industriya ng shipbuilding and ship machinery
- Nasisiyahan akong makakuha ng pagkakataong magtrabaho bilang Technical Intern Trainee, Manggagawa sa pagawaan ng barko at sa kasalukuyang status of residence na Specified Skilled Worker (i).
- Sa kompanyang tumanggap sa akin, may karanasan akong magtrabaho bilang trainee/manggagawa, at nasanay na ako sa kompanya at sa welding work, kung kaya madali kong nagagawa ang trabaho.
- Sa trabaho, nais kong turuan ang mga trainees tungkol sa kanilang mga trabaho at sisikapin kong magsilbi bilang tagapagbuo o organizer ng grupo.
- Maginhawa dahil malapit ang dormitoryo sa kompanya at sa supermarket.
Industriya ng paglinis sa mga gusali
- Bagama't may pag-aalala ako bago pumunta sa Japan, madali akong nasanay sa pamumuhay dahil sa suportang ipinagkaloob ng kompanya.
- Ikinagagalak kong makapagtrabaho sa kompanyang ito dahil nakatulong ito hindi lamang sa pag-intindi sa teknolohiyang ginagamit sa paglinis sa mga gusali sa Japan kundi pati ang wika at kultura ng bansang Hapon.
- Sa hinaharap ay nais kong gawin ang trabaho sa Vietnam kung saan ginagamit ang wikang Hapon, at sa gayon ay makatulong sa mga taong gustong pumunta sa Japan.