- HOME
- Tungkol sa Specified Skilled Worker
- Paano makakapagtrabaho?
Paano makakapagtrabaho?
Upang makapagtrabaho sa status of residence na Specified Skilled Worker (i), kinakailangang gawin at ipasa ang Japanese proficiency test at skill test (hindi na kailangang ipasa ang pagsusuri kapag matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii). Subalit, kung sakaling nais magtrabaho sa ibang industriya, kailangang ipasa ang skill test sa industriya na kung saan nais magtrabaho.) Pagkatapos nito, kung gagawa ng kontrata sa kompanya, maaaring gawin ang aplikasyon para sa status of residence na Specified Skilled Worker.
Daloy hanggang makapagtrabaho
Sa kaso ng mga nasa ibang bansa
Pumasa sa Japanese proficiency test, skill test (hindi na kailangan kapag matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training)
Gumawa ng kontrata sa kompanya
Gumawa ng aplikasyon para sa status of residence at iba pa sa tanggapan ng Imigrasyon
Magtrabaho
Sa kaso ng mga dayuhang mag-aaral sa Japan
Pumasa sa Japanese proficiency test, skill test
Gumawa ng kontrata sa kompanya
Gumawa ng aplikasyon para sa status of residence at iba pa sa tanggapan ng Imigrasyon
Magtrabaho
Sa kaso ng Technical Intern Trainee na nasa Japan (parehong kompanya)
Gumawa ng aplikasyon para sa status of residence at iba pa sa tanggapan ng Imigrasyon
Magtrabaho
Sa kaso ng Technical Intern Trainee na nasa Japan (ibang kompanya)
Gumawa ng kontrata sa kompanya
Gumawa ng aplikasyon para sa status of residence at iba pa sa tanggapan ng Imigrasyon
Magtrabaho
*Kapag magtatrabaho sa industriya kaugnay sa Technical Intern Training job.