Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Food service"

Trabahong may kinalaman sa pagsilbi, paghatid ng pagkain sa customers sa restaurant at iba pa

Nilalaman ng trabaho

Pangkalahatang Food service industry (paghahanda ng pagkain at inumin, serbisyo sa customer, at pamamahala ng shop o tindahan) at pamamahala ng operasyon ng tindahan

Pamantayan sa human resources

Antas ng kasanayan

“Pagsusulit sa pagsukat ng kasanayan para sa Specified Skilled Worker (ii) sa Food service industry” at "Japanese-Language Proficiency Test (N3 pataas)"

Aktuwal na karanasan sa trabaho

Kinakailangan ang praktikal na karanasan bilang katulong sa pamamahala ng isang restaurant (assistant manager, sub-manager, at iba pa) na may pahintulot sa negosyo alinsunod sa Food Sanitation Act, kung saan nagsasagawa ng trabaho kabilang ang serbisyo sa customer habang gumagabay at nangangasiwa sa maraming part-time na empleyado at mga dayuhang Specified Skilled Worker, at tumutulong sa pamamahala ng restaurant. (Gayunpaman, ito ay limitado lamang sa mga hindi pa nakakumpleto ng kinakailangang karanasan at hindi pa nakakumpleto ng panahong hiwalay na itinatakda ng Minister of Agriculture, Forestry and Fisheries.)

Pagpapakilala ng mga halimbawa