Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Food service"

Trabahong may kinalaman sa pagsilbi, paghatid ng pagkain sa customers sa restaurant at iba pa

Dahil inaasahang lalampas sa bandang Mayo ng taong ito ang bilang ng mga residenteng may Specified Skilled Worker (i) sa inaasahang bilang ng pagtanggap (maximum na 50,000 katao) sa Industriya ng food service, ipatutupad ang paghinto sa pagbigay ng Certificate of Eligibility para sa status of residence simula sa Abril 13 ng taong ito.

Pakitingnan ang link sa ibaba para sa mga detalye

Nilalaman ng trabaho

Pangkalahatang Food service industry (paghahanda ng pagkain at inumin, serbisyo sa customer, at pamamahala ng shop o tindahan)

Tinatayang bilang ng tatanggapin

53,000 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)

Pamantayan sa human resources

Antas ng kasanayan

“Pagsusulit sa pagsukat ng kasanayan para sa Specified Skilled Worker (i) sa Food service industry”

*Ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii) sa industriyang ito ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Para sa mga nasasakop na trabaho at iba pa, pakikumpirma ang “Gabay tungkol sa operasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker na may partikular na kasanayan sa mga itinalagang industriya.”

Kakayahan sa wikang Hapon

“Japan Foundation Test for Basic Japanese” o “Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)”

*Para sa pagsusulit sa wikang Hapon, ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii), anuman ang uri ng trabaho, ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit

Pagpapakilala ng mga halimbawa