- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Paglinis sa mga gusali"
Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Paglinis sa mga gusali"
Trabahong may kinalaman sa paglilinis sa loob ng gusali
Nilalaman ng trabaho
Paglilinis sa loobang bahagi ng mga gusali o istraktura.
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
“Pagsusulit sa pagsusuri ng kasanayan para sa Specified Skilled Worker (ii) sa Industriya ng paglinis sa mga gusali” o “Pagsusuri sa kasanayan (ika-1 antas)”
*Para sa mga nasasakop na skills proficiency test, pakikumpirma ang “Gabay tungkol sa operasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker na may partikular na kasanayan sa mga itinalagang industriya.”
Aktuwal na karanasan sa trabaho
Kinakailangan ang aktuwal o praktikal na karanasan sa pangangasiwa ng maraming manggagawa at pamamahala ng lugar ng trabaho habang nagsasagawa ng paglilinis sa loob ng mga itinalagang gusali alinsunod sa Artikulo 2, Talata 1 ng Building Sanitation Act, o ng paglilinis sa loob ng mga gusali (hindi kabilang ang mga tirahan) na isinasagawa ng isang tanggapan na rehistrado bilang negosyo sa paglilinis ng gusali alinsunod sa Artikulo 12-2, Talata 1, Item 1 ng nasabing batas, o bilang negosyo sa komprehensibong pamamahala ng kalinisan sa kapaligiran ng gusali alinsunod sa Item 8 ng parehong Talata 1.
Pagpapakilala ng mga halimbawa
Ito ang evaluation ng dayuhang manggagawa na Vietnamese na ginawa ng isang building maintenance company.
Ang Specified Skilled Worker ay ginagamit bilang isang step-up para sa mga nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii).
Natanggap mula sa contrator o kompanyang pinaglingkuran ang evaluation na nagsasaad na, “kumpara noong trainee pa lang, ang manggagawa ay mas naging responsable at nagsusumikap sa trabaho”.
Ang dayuhang manggagawa na ginawang regular na empleyado mula sa pagiging isang trainee ay nagkaroon ng mas sopistikado at challenging na trabaho.