- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Paglinis sa mga gusali"
Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Paglinis sa mga gusali"
Trabahong may kinalaman sa paglilinis sa loob ng gusali
Nilalaman ng trabaho
Paglilinis sa loobang bahagi ng mga gusali o istraktura.
Tinatayang bilang ng tatanggapin
37,000 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
“Pagsusulit sa pagsusuri ng kasanayan para sa Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng paglinis sa mga gusali”
*Ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii) sa industriyang ito ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Para sa mga nasasakop na trabaho at iba pa, pakikumpirma ang “Gabay tungkol sa operasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker na may partikular na kasanayan sa mga itinalagang industriya.”
Japanese-Language Proficiency
“Japan Foundation Test for Basic Japanese” o “Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)”
*Para sa pagsusulit sa wikang Hapon, ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii), anuman ang uri ng trabaho, ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit.
Pagpapakilala ng mga halimbawa
Ito ang evaluation ng dayuhang manggagawa na Vietnamese na ginawa ng isang building maintenance company.
Ang Specified Skilled Worker ay ginagamit bilang isang step-up para sa mga nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii).
Natanggap mula sa contrator o kompanyang pinaglingkuran ang evaluation na nagsasaad na, “kumpara noong trainee pa lang, ang manggagawa ay mas naging responsable at nagsusumikap sa trabaho”.
Ang dayuhang manggagawa na ginawang regular na empleyado mula sa pagiging isang trainee ay nagkaroon ng mas sopistikado at challenging na trabaho.