Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Aviation"

Trabahong may kinalaman sa paghakot ng mga karga sa eroplano, pagsusuri at pagpapanatili sa kondisyon ng eroplano

Nilalaman ng trabaho

  • Paggawa ng ground handling work sa airport
    Bilang tagapagturo at team leader na may kaukulang kuwalipikasyon sa loob ng kompanya, isinasagawa ang mga gawain tulad ng suporta sa paggalaw ng eroplano sa runway, paghawak ng mga bagahe at kargamento, habang nangangasiwa sa daloy ng trabaho
  • Paggawa ng aviation maintenance
    Isinasagawa batay sa sariling pagpapasiya ang mga espesyal at teknikal na gawain para sa pagpapanatili sa katawan ng eroplano, mga kagamitan, at iba pa

Pamantayan sa human resources

Antas ng kasanayan

“Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (ii) sa Industriya ng aviation” o “Aviation Personnel Skill Certificate”

*Para sa nasasakop na sertipikasyon sa kasanayan at iba pa, pakikumpirma sa “Gabay sa pagpapatupad kaugnay ng pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker sa mga itinalagang industriya.”

Aktuwal na karanasan sa trabaho

  • Ground handling sa airport
    Kinakailangan ang praktikal na karanasan sa ground handling sa airport, kung saan nagsasagawa ng trabaho habang nagbibigay ng gabay sa mga manggagawang may kasanayan.
  • Paggawa ng aviation maintenance
    Kinakailangan ang hindi bababa sa 3 taon na aktuwal na karanasan sa aviation maintenance, kung saan nagsasagawa ng mga gawaing nangangailangan ng espesyal at teknikal na kaalaman at kasanayan.

Pagpapakilala ng mga halimbawa

Sa oras ng pagtuturo, nagkaroon ng pagkakataong pag-isipan kung anong paraan ang epektibo para maintindihan ng kabilang partido ang bagay na nais iparating. Sa kompanyang ito, may mga departamento na kung saan maraming mga dayuhan ang nagtatrabaho. Upang mapabuti o hubugin ang abilidad ng mga dayuhang manggagawa na inaasahan na magiging aktibo sa hinaharap, pinagsisikapang itaguyod ang human resource development para malaman kung anong paraan sa pagtuturo ang nababagay upang makapag-isip at kumilos nang kusa ang mga empleyado.