- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Aviation"
Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Aviation"
Trabahong may kinalaman sa paghakot ng mga karga sa eroplano, pagsusuri at pagpapanatili sa kondisyon ng eroplano
Nilalaman ng trabaho
- Paggawa ng ground handling work sa airport
Sa ilalim ng gabay at pangangasiwa ng mga tagapagturo o team leader na may kaukulang kuwalipikasyon sa loob ng kompanya, isinasagawa ang mga gawain tulad ng suporta sa paggalaw ng eroplano sa runway, paghawak ng mga bagahe at kargamento, at iba pa - Paggawa ng aviation maintenance
Mga gawaing kaugnay sa pagpapanatili sa kondisyon ng eroplano, mga kagamitan, at iba pa
Tinatayang bilang ng tatanggapin
4,400 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
“Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng aviation”
*Ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii) sa industriyang ito ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Para sa mga nasasakop na trabaho at iba pa, pakisuri ang “Gabay sa pagpapatupad kaugnay ng pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker sa mga itinalagang industriya.”
Japanese-Language Proficiency
“Japan Foundation Test for Basic Japanese” o “Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)”
*Para sa pagsusulit sa wikang Hapon, ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii), anuman ang uri ng trabaho, ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit.
Pagpapakilala ng mga halimbawa
Sa oras ng pagtuturo, nagkaroon ng pagkakataong pag-isipan kung anong paraan ang epektibo para maintindihan ng kabilang partido ang bagay na nais iparating. Sa kompanyang ito, may mga departamento na kung saan maraming mga dayuhan ang nagtatrabaho. Upang mapabuti o hubugin ang abilidad ng mga dayuhang manggagawa na inaasahan na magiging aktibo sa hinaharap, pinagsisikapang itaguyod ang human resource development para malaman kung anong paraan sa pagtuturo ang nababagay upang makapag-isip at kumilos nang kusa ang mga empleyado.