Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Automobile repair and maintenance"

Trabahong may kinalaman sa pagsusuri at maintenance ng sasakyan

Nilalaman ng trabaho

Habang nagbibigay ng gabay sa ibang tauhan, isinasagawa ang pang-araw-araw na inspeksiyon at maintenance ng sasakyan, regular na inspeksiyon at maintenance, espesipikong maintenance, at mga pangkalahatang gawaing kaugnay ng espesipikong maintenance

Pamantayan sa human resources

Antas ng kasanayan

“Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (ii) sa Industriya ng automobile repair and maintenance” o “Pagsusulit sa kasanayan ng automobile repair and maintenance (ika-2 antas)”

Aktuwal na karanasan sa trabaho

Kinakailangan ang praktikal na karanasan sa isang establisimyento na may sertipikasyon mula sa Direktor ng Regional Transport Bureau batay sa Artikulo 78, Talata 1 ng Road Transport Vehicle Act (Batas No.185 ng taong 1951).

Pagpapakilala ng mga halimbawa

Sa isang kompanya sa Hiroshima Prefecture, isinasagawa ang regular na inspeksiyon at maintenance tulad ng pipe work checkup para sa exhaust gas emission prevention device, pagpalit sa brake calipers, at iba pa, sa pamamagitan ng pagbaklas o disassembly maintenance work. Bukod pa rito, sa isang kompanya sa Saitama Prefecture, isinasagawa ang pagkumpirma sa dami ng transmission oil at iba pa, kabilang sa regular na inspeksiyon at maintenance. Para sa mga Technical Intern Trainee, isinasagawa ang komunikasyon kaugnay sa trabaho o personal na mga bagay, at pinapanatiling matiwasay ang working environment sa pook ng trabaho.