- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Automobile repair and maintenance"
Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Automobile repair and maintenance"
Trabahong may kinalaman sa pagsusuri at maintenance ng sasakyan
Nilalaman ng trabaho
Pang-araw-araw na inspeksiyon at maintenance ng sasakyan, regular na inspeksiyon at maintenance, espesipikong maintenance, at mga pangunahing gawaing kaugnay ng espesipikong maintenance
Tinatayang bilang ng tatanggapin
10,000 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
"Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng automobile repair and maintenance" o "Pagsusulit sa kasanayan ng automobile repair and maintenance (ika-3 antas)"
*Ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii) sa industriyang ito ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Para sa mga nasasakop na trabaho at iba pa, pakisuri ang "Gabay sa pagpapatupad kaugnay ng pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker sa mga itinalagang industriya."
Japanese-Language Proficiency
“Japan Foundation Test for Basic Japanese” o “Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)”
*Para sa pagsusulit sa wikang Hapon, ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii), anuman ang uri ng trabaho, ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit.
Pagpapakilala ng mga halimbawa
Sa isang kompanya sa Hiroshima Prefecture, isinasagawa ang regular na inspeksiyon at maintenance tulad ng pipe work checkup para sa exhaust gas emission prevention device, pagpalit sa brake calipers, at iba pa, sa pamamagitan ng pagbaklas o disassembly maintenance work. Bukod pa rito, sa isang kompanya sa Saitama Prefecture, isinasagawa ang pagkumpirma sa dami ng transmission oil at iba pa, kabilang sa regular na inspeksiyon at maintenance. Para sa mga Technical Intern Trainee, isinasagawa ang komunikasyon kaugnay sa trabaho o personal na mga bagay, at pinapanatiling matiwasay ang working environment sa pook ng trabaho.