- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Agrikultura"
Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Agrikultura"
Trabahong may kinalaman sa pagtanim at pag-ani ng mga gulay, pati pag-aalaga ng baboy, baka, manok at iba pang hayop
Nilalaman ng trabaho
- Pangkalahatang pagsasaka ng mga pananim
Kabilang dito ang pamamahala ng pagtatanim, pagkulekta, pag-uuri, at pagpapadala ng mga produktong agrikultura, at pangangasiwa kaugnay nito - Pangkalahatang pag-aalaga ng mga hayop sa agrikultura
Mga gawaing may kinalaman sa pamamahala ng pagpapakain at pag-aalaga ng mga hayop, pagkulekta, pag-uuri, at pagpapadala ng mga livestock products, at pangangasiwa kaugnay nito
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
“Pagsusulit sa pagsukat ng kasanayan sa agrikultura (ii)”
Aktuwal na karanasan sa trabaho
Kinakailangang matugunan ang alinman sa mga sumusunod:
- Praktikal na karanasan sa industriya ng agrikultura bilang tagapangasiwa ng proseso, kung saan nagsasagawa ng trabaho habang nagbibigay ng gabay sa maraming manggagawa
- Praktikal na karanasan sa industriya ng agrikultura
Pagpapakilala ng mga halimbawa
Sa Prepektura ng Nagasaki, ang mga gawain sa taniman ng mga gulay tulad ng letsugas at iba pa ay kinukontrata ng mga magsasaka sa mga dayuhang manggagawa.
Isinasagawa ng prepektura ang mga inisyatibo sa pagtatag ng temporary job placement agency, upang maipagkaloob sa mga dayuhang manggagawa ang matiwasay na pamumuhay at working environment.