- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Agrikultura"
Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Agrikultura"
Trabahong may kinalaman sa pagtanim at pag-ani ng mga gulay,
pati pag-aalaga ng baboy, baka, manok at iba pang hayop
Nilalaman ng trabaho
- Pangkalahatang pagsasaka ng mga pananim
Mga gawaing may kinalaman sa pamamahala ng paglinang, pagkulekta, pag-uuri, at pagpapadala ng mga produktong agrikultura, at iba pa - Pangkalahatang pag-aalaga ng mga hayop sa agrikultura
Mga gawaing may kinalaman sa pamamahala ng pagpapakain at pag-aalaga ng mga hayop, pagkulekta, pag-uuri, at pagpapadala ng mga livestock products, at iba pa
Tinatayang bilang ng tatanggapin
78,000 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
“Pagsusulit sa pagsukat ng kasanayan sa Agrikultura (i)”
*Ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii) sa industriyang ito ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Para sa mga nasasakop na trabaho at iba pa, pakikumpirma ang “Gabay tungkol sa operasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker na may partikular na kasanayan sa mga itinalagang industriya.”
Japanese-Language Proficiency
“Japan Foundation Test for Basic Japanese” o “Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)”
*Para sa pagsusulit sa wikang Hapon, ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii), anuman ang uri ng trabaho, ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit.
Pagpapakilala ng mga halimbawa
Sa Prepektura ng Nagasaki, ang mga gawain sa taniman ng mga gulay tulad ng letsugas at iba pa ay kinukontrata ng mga magsasaka sa mga dayuhang manggagawa.
Isinasagawa ng prepektura ang mga inisyatibo sa pagtatag ng temporary job placement agency, upang maipagkaloob sa mga dayuhang manggagawa ang matiwasay na pamumuhay at working environment.