Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Railways (ng tren)"

Trabahong may kinalaman sa pag-aayos ng tren at mga kagamitan sa riles, paggawa ng mga tren, pagtatrabaho sa istasyon, at pagmamaneho ng tren

Nilalaman ng trabaho

  • Pagpapanatili ng riles ng tren
    Mga gawaing may kinalaman sa pagtatayo, pagpapabuti, at pagkukumpuni ng riles at iba pang kaugnay na istraktura, pati paggawa ng inspeksiyon at iba pa
  • Pagpapanatili ng mga kagamitang elektrikal
    Mga gawaing may kinalaman sa pagtatayo, pagpapabuti, pagkukumpuni, at inspeksiyon ng mga kagamitang elektrikal sa linya, mga kagamitan sa substation, mga kagamitang elektrikal at makinarya, kagamitan para sa signal at kaligtasan, kagamitan sa komunikasyong pangkaligtasan, kagamitan sa kaligtasan ng tawiran ng riles, at iba pa
  • Pagpapanatili ng mga tren
    Mga gawaing may kinalaman sa pagpapanatili ng tren sa railways, at iba pa
  • Paggawa ng mga tren
    Mga gawaing may kinalaman sa paggawa ng tren sa railways, mga piyesa ng tren sa railways, at iba pa
  • Mga kawani ng transportasyon
    Mga kawani sa istasyon, konduktor, driver ng tren, at iba pa

Tinatayang bilang ng tatanggapin

3,800 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)

Pamantayan sa human resources

Antas ng kasanayan

  • Pagpapanatili ng riles
    Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa industriya ng Railways (ng tren) (pagpapanatili ng riles)
  • Pagpapanatili ng mga kagamitang elektrikal
    Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa industriya ng Railways (ng tren) (pagpapanatili ng mga kagamitang elektrikal)
  • Pagpapanatili ng mga tren
    Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa industriya ng Railways (ng tren) (pagpapanatili ng mga tren)
  • Paggawa ng mga tren
    • Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa industriya ng Railways (ng tren) (paggawa ng mga tren)
    • Pagsusulit sa kasanayan: Antas 3 (machining)
    • Pagsusulit sa kasanayan: Antas 3 (finishing)
    • Pagsusulit sa kasanayan: Antas 3 (assembly ng electronic equipment)
    • Pagsusulit sa kasanayan: Antas 3 (assembly ng electrical equipment)
    • Pagsusulit sa kasanayan: Antas 3 (pagpe-paint)
  • Mga kawani ng transportasyon
    Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa industriya ng Railways (ng tren) (mga kawani ng transportasyon)

Japanese-Language Proficiency

  • Pagpapanatili ng riles
    Japan Foundation Test for Basic Japanese o Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)
  • Pagpapanatili ng mga kagamitang elektrikal
    Japan Foundation Test for Basic Japanese o Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)
  • Pagpapanatili ng mga tren
    Japan Foundation Test for Basic Japanese o Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)
  • Paggawa ng mga tren
    Japan Foundation Test for Basic Japanese o Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)
  • Mga kawani ng transportasyon
    Japanese-Language Proficiency Test (N3 pataas)