Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa Industriya ng "Nursing"

Trabahong may kinalaman sa pagsuporta upang mamuhay sa sariling kakayahan ang mga matatanda, mga taong may kapansanan at iba pa, na nahihirapan sa araw-araw na pamumuhay

Nilalaman ng trabaho

Physical nursing care, at iba pa (tulad ng pagtulong sa pagpaligo, pagpapakain, pagdumi/pag-ihi at iba pa, batay sa pisikal at mental na kalagayan ng gumagamit ng serbisyo), pati mga kaugnay na gawain ng suporta (tulad ng pagsagawa ng mga recreational activities at pagtulong sa mga pagsasanay para sa paggana ng katawan, at iba pa).

Tinatayang bilang ng tatanggapin

135,000 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)

Pamantayan sa human resources

Antas ng kasanayan

“Pagsusulit sa pagsusuri ng kasanayan sa Nursing”

*Ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii) sa industriyang ito ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Para sa mga nasasakop na trabaho at iba pa, pakikumpirma ang “Gabay tungkol sa operasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker na may partikular na kasanayan sa mga itinalagang industriya.”

Japanese-Language Proficiency

"Japan Foundation Test for Basic Japanese" o "Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)"
(Bilang karagdagan sa Japan Foundation Test for Basic Japanese o Japanese-Language Proficiency Test N4) Nursing Care Japanese Language Evaluation Test

*Para sa pagsusulit sa wikang Hapon, ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii), anuman ang uri ng trabaho, ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Gayunpaman, sa kaso ng Technical Intern Training sa mga uri ng trabaho maliban sa nursing, kinakailangang ipasa ang pagsusulit sa Nursing Care Japanese Language Evaluation Test.

Pagpapakilala ng mga halimbawa

Ito ang ginawang evaluation ng pasilidad na tumanggap

sa lalaking Indonesian na nagtatrabaho sa isang fee-based elderly home sa Kanagawa Prefecture.
Nagagawa ng dayuhang manggagawa na tanggapin at gawin ang mga gawaing kinakailangan para sa Nursing sa simple at objective na pananaw, dahil wala siyang subjective mindset tulad ng pagkakaroon ng prejudice at iba pa.
Noong makita ng ibang staff na Hapon ang kanyang katapatan at pagiging masigasig sa trabaho, nagdulot ito ng inspirasyon sa kanila, kung saan nagkaroon din ng synergy effect.