Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Fishery & aquaculture"

Trabahong may kinalaman sa paghuli at pag-aalaga ng isda

Nilalaman ng trabaho

  • Fishery & aquaculture
    Kabilang dito ang paggawa at pagkumpuni ng mga kagamitan sa pangingisda, paghahanap ng mga yamang-dagat, pagpapatakbo ng mga kagamitan at makinarya sa pangingisda, paghuli ng mga yamang-dagat, pagproseso at pag-iimbak ng mga huli, at pagtiyak sa kaligtasan at kalusugan, at iba pa, pati pagtulong sa nangangasiwa sa operasyon, paggabay sa mga manggagawa, at pamamahala ng daloy ng trabaho
  • Aquaculture
    Kabilang dito ang paggawa, pagkumpuni, at pangangasiwa ng mga kagamitan para sa aquaculture, pamamahala ng pagpapalaki at pag-aalaga ng mga yamang-dagat, pag-ani at pagproseso ng mga ito, at pagtiyak sa kaligtasan at kalusugan, at iba pa, pati pagtulong sa nangangasiwa sa aquaculture, paggabay sa mga manggagawa, at pamamahala ng daloy ng trabaho

Pamantayan sa human resources

Antas ng kasanayan

“Pagsusulit sa pagsukat ng kasanayan sa Fishery & aquaculture (ii)” at “Japanese-Language Proficiency Test” (N3 pataas)

Aktuwal na karanasan sa trabaho

  • Fishery & aquaculture
    Kinakailangan ang praktikal na karanasan sa isang barkong pangisda na nakarehistro alinsunod sa Fishing Vessel Act (Batas No.178 ng taong 1950), na tumutulong sa nangangasiwa ng operasyon o nagsasagawa ng trabaho habang gumagabay sa mga manggagawa at nangangasiwa ng daloy ng trabaho.
  • Aquaculture
    Kinakailangan ang praktikal na karanasan sa industriya ng aquaculture na isinasagawa alinsunod sa Fisheries Act (Batas No.267 ng taong 1949) at sa batas sa pagsusulong ng inland fisheries (Batas No.103 ng taong 2014), na tumutulong sa nangangasiwa ng aquaculture o nagsasagawa ng trabaho habang gumagabay sa mga manggagawa at nangangasiwa ng daloy ng trabaho.

Pagpapakilala ng mga halimbawa

Mahigit sa 20 fishing boats para sa paghuli ng pusit sa Ishikawa Prefecture ang may mga dayuhang manggagawa na aktibong nagtatrabaho. Sa pagsali sa mga klase sa pag-aaral ng wikang Hapon, pagtatag ng banda ng mga dayuhan sa pagbisita sa welfare facilities, mga paaralan, at iba pa sa lokalidad, nagkakaroon ng masigasig na pakikipag-ugnayan sa lokal na komunidad.