- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Construction"
Specified Skilled Worker (ii)
Tungkol sa industriya ng "Construction"
Trabahong may kinalaman sa paggawa ng gusali, tulad ng mga bahay, gusali at iba pa
Nilalaman ng trabaho
- Civil engineering
Isinasagawa ang mga gawaing may kaugnayan sa pagtatayo, pagbabago, pagpapanatili, at pagkumpuni ng mga pasilidad sa imprastruktura, at iba pa, habang gumagabay sa maraming mga manggagawang may kasanayan sa construction at nangangasiwa sa proseso ng produksiyon - Arkitektura
Isinasagawa ang mga gawaing may kaugnayan sa pagtatayo ng bagong gusali, pagpapalawak, pagbabago, paglilipat, pagkumpuni, o pagbabago ng anyo ng mga gusali, at iba pa, habang gumagabay sa maraming manggagawang may kasanayan sa construction at nangangasiwa sa proseso ng produksiyon - Mga pasilidad at lifeline
Isinasagawa ang mga gawaing may kaugnayan sa pag-aayos, instalasyon, pagbabago, o pagkumpuni ng mga lifeline at pasilidad tulad ng telekomunikasyon, gas, tubig, kuryente, at iba pa, habang gumagabay sa maraming manggagawang may kasanayan sa construction at nangangasiwa sa proseso ng produksiyon
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
“Pagsusulit sa pagsusuri ng kasanayan para sa Specified Skilled Worker (ika-2 antas) sa Industriya ng construction,” “Pagsusulit sa kasanayan (ika-1 antas),” o “Pagsusulit sa kasanayan (iisang antas)”
*Para sa mga nasasakop na pagsusulit sa kasanayan, at iba pa, pakikumpirma ang “Gabay tungkol sa operasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker na may partikular na kasanayan sa mga itinalagang industriya.”
Aktuwal na karanasan sa trabaho
Kinakailangan ang praktikal na karanasan bilang pinuno ng grupo (foreman) sa construction site, na nagsasagawa ng trabaho habang gumagabay sa maraming manggagawang may kasanayan sa construction at nangangasiwa sa proseso ng produksiyon.