Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa Industriya ng "Transportasyon sa sasakyan"

Trabahong may kinalaman sa transportasyon ng mga tao at kargamento gamit ang sasakyan

Nilalaman ng trabaho

  • Pagmamaneho ng sasakyang pangkomersiyo (truck) at lahat ng gawaing kaugnay ng pagmamaneho
  • Pagmamaneho ng sasakyang pangkomersiyo (taxi) at lahat ng gawaing kaugnay ng pagmamaneho
  • Pagmamaneho ng sasakyang pangkomersiyo (bus) at lahat ng gawaing kaugnay ng pagmamaneho

Tinatayang bilang ng tatanggapin

24,500 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)

Pamantayan sa human resources

Ang mga dayuhang tatanggapin sa ilalim ng status of residence na Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng transportasyon sa sasakyan ay dapat nakapasa sa mga pagsusulit na itinakda sa ibaba. Sa serbisyo ng transportasyon ng taxi at bus, kinakailangan din ang pagkumpleto ng programa sa pagsasanay para sa mga bagong driver.

Antas ng kasanayan

  • Truck
    Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng transportasyon sa sasakyan (truck) at lisensiya sa pagmamaneho (Class-1)
  • Taxi
    Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng transportasyon sa sasakyan (taxi) at lisensiya sa pagmamaneho (Class-2)
  • Bus
    Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng transportasyon sa sasakyan (bus) at lisensiya sa pagmamaneho (Class-2)

Kakayahan sa wikang Hapon

  • Truck
    Japan Foundation Test for Basic Japanese o Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)
  • Taxi
    Japanese-Language Proficiency Test (N3 pataas)
  • Bus
    Japanese-Language Proficiency Test (N3 pataas)