- HOME
- Tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker
- Ano ang status of residence na "Specified Skilled Worker"
- Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Hotel and lodging"
Specified Skilled Worker (i)
Tungkol sa industriya ng "Hotel and lodging"
Trabahong may kinalaman sa pagtanggap at pag-asikaso sa mga customers sa hotel
Nilalaman ng trabaho
Trabahong may kinalaman sa hotel and lodging services sa loob ng hotel and lodging facilities, tulad ng front desk work, pagpaplano at public relations, pagsisilbi sa mga bisita, serbisyo sa restaurant, at iba pa
Tinatayang bilang ng tatanggapin
23,000 katao
(Pinakamataas na limitasyon ng pagtanggap sa loob ng 5 taon mula Abril 2024 hanggang Marso 2029)
Pamantayan sa human resources
Antas ng kasanayan
“Pagsusulit para sa Specified Skilled Worker (i) sa Industriya ng hotel and lodging”
*Ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii) sa industriyang ito ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit. Para sa mga nasasakop na trabaho at iba pa, pakikumpirma ang “Gabay tungkol sa operasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang Specified Skilled Worker na may partikular na kasanayan sa mga itinalagang industriya.”
Japanese-Language Proficiency
“Japan Foundation Test for Basic Japanese” o “Japanese-Language Proficiency Test (N4 pataas)”
*Para sa pagsusulit sa wikang Hapon, ang mga matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii), anuman ang uri ng trabaho, ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit.