- HOME
- Tungkol sa Specified Skilled Worker
- Mga Hakbang sa Pagtatrabaho sa Japan
Mga Hakbang sa Pagtatrabaho sa Japan
Ang “Specified Skilled Worker” ay isang status of residence para sa mga dayuhang may tiyak na antas ng kadalubhasaan at kasanayan upang magtrabaho sa partikular na mga industriyang kulang sa mga manggagawa sa Japan. May dalawang uri sa ilalim nito: ang “Specified Skilled Worker Type 1” at ang “Specified Skilled Worker Type 2” na may mas mataas na antas ng kasanayan. Malinaw na ipinapaliwanag dito ang mga paghahanda at mga pamamaraan upang makapagtrabaho sa Japan gamit ang status of residence na “Specified Skilled Worker,” kaya gamitin ito bilang reperensiya.
Bago pumunta sa Japan
STEP1Nais magtrabaho sa Japan
May interes sa pagtatrabaho sa Japan.
Anong uri ng trabaho ang nais gawin sa Japan? Saang lugar ang gusto para manirahan sa Japan? Alin ang trabahong nais pasukan sa loob ng 16 larangan kung saan maaaring magtrabaho bilang Specified Skilled Worker sa Japan? Anong mga bagay ang dapat pag-ingatan sa pamumuhay at pagtatrabaho sa Japan? Habang iniisip ang trabahong nais gawin, subukang suriin ang tungkol sa Specified Skilled Worker.
- Nilalaman ng trabaho (Deskripsyon ng Trabaho) sa bawat larangan ng Specified Skilled Worker Type 1 | Immigration Services Agency
- Ano ang status of residence na “Specified Skilled Worker” | Pangkalahatang support website para sa Specified Skilled Worker: para sa mga dayuhan
- Video ng orientation ukol sa pamumuhay | Immigration Services Agency
- Impormasyon tungkol sa Specified Skilled Worker ayon sa bawat bansa | Immigration Services Agency
Pagsusuri tungkol sa Specified Skilled Worker.
Ang Specified Skilled Worker ay isang status of residence na nilikha upang makapagtrabaho ang mga dayuhan sa Japan bilang kapaki-pakinabang na mga manggagawa na handang magtrabaho kaagad. May dalawang uri ng Specified Skilled Worker: ang status of residence “Type 1” at ang status of residence “Type 2”, kung saan ang status of residence Type 2 ay nangangailangan ng mas mataas at mas bihasang antas ng kasanayan kaysa sa status of residence Type 1. Kapag magtatrabaho sa ilalim ng status of residence na Specified Skilled Worker Type 1, kinakailangang kunin at ipasa ang pagsusulit sa kasanayan at pagsusulit sa wikang Hapon (bilang pangkalahatang tuntunin, hindi na kailangang pumasa sa pagsusulit ang mga matagumpay na nakatapos ng Technical Intern Training Type 2. Subalit, kung magtatrabaho sa ibang larangan o kategorya, kinakailangang pumasa sa pagsusulit ng larangang nais pasukan). Pagkatapos nito, kapag nagkaroon ng kontrata sa trabaho sa isang kompanya, maaari nang gawin ang aplikasyon para sa status of residence na “Specified Skilled Worker”.
Pumasa sa pagsusulit sa kasanayan at pagsusulit sa wikang Hapon para sa “Specified Skilled Worker.”
Para sa Specified Skilled Worker Type 1, kinakailangang pumasa sa Japan Foundation Test for Basic Japanese (JFT-Basic) o sa Japanese-Language Proficiency Test (JLPT) N4 pataas (*) bukod sa pagsusulit sa kasanayan para sa larangan na kung saan magtatrabaho. Pakitingnan ang website sa ibaba para sa buod at iskedyul ng mga pagsusulit.
- *Para sa taxi at bus sa industriya ng transportasyon sa sasakyan at para sa railways (ng tren) transport staff, kinakailangan ang Japanese-Language Proficiency Test (JLPT) N3 pataas.
- *Para sa nursing care, kinakailangan din na pumasa sa Nursing Care Japanese Language Evaluation Test bukod sa Japanese-Language Proficiency Test N4.
STEP 2 Maghanap ng kompanya
Maghanap ng organisasyong magpapadala (sending organization)
Sa susunod, kinakailangang maghanap ng isang sending organization para sa mga mamamayan ng mga bansang kailangang dumaan sa sending organization upang makapagpaalis. Ang mga punto sa pagpili ng sending organization ay ang pagkakaroon ng lisensya, pagiging makatuwiran ng mga babayarang bayarin, at iba pa. Kailangang suriin sa mga websites na nagpapakilala ng mga sending organization ng bawat bansa. Dahil maaaring magkaiba ang mga hakbang ng proseso depende sa bansa, una sa lahat ay siguruhing kumpirmahin ang mga kinakailangang pamamaraan sa sariling bansa.
Maghanap ng trabaho
Sisimulan ang paghahanap ng trabaho pagkatapos magparehistro sa sending organization. Tutulong ang sending organization sa paghahanap ng trabaho. Kung hindi gagamit ng sending organization, kailangang gawin mismo nang sarili ang paghahanap ng trabaho. Kung maghahanap ng trabaho nang hindi gagamit ng sending organization, subukang maghanap sa mga websites para sa job openings ng mga kompanya o job fair para sa mga dayuhan.
Gumawa ng kontrata sa kompanya
Gawin ang aplikasyon para sa interview sa kompanya sa oras na makahanap ng trabaho. Gumawa ng kontrata sa kompanya kapag pumasa sa interview. Siguraduhing linawin kung anong uri ng trabaho ito, at tiyaking kumpirmahin ang lugar ng trabaho, sahod, at iba pa. Ang kompanya ay kinakailangang magbigay sa manggagawa ng abiso ng mga kondisyon sa paggawa. Sa oras ng kontrata, siguruhing suriin nang husto ang mga kondisyon ng empleyo. Makabubuting gawing reperensiya ang artikulong “Mga bagay na hindi dapat gawin ng mga kumpanya” sa JP-MIRAI Portal.
STEP3Gumawa ng aplikasyon para sa status of residence at iba pa
Gumawa ng aplikasyon para sa status of residence at iba pa sa tanggapan ng Imigrasyon
Gamawa ng aplikasyon para sa Certificate of Eligibility for Status of Residence sa Regional Offices of the Immigration Bureau pagkatapos gawin ang kontrata sa trabaho sa kompanya. Maaaring gumawa ng proxy application ang kawani ng kompanyang tatanggap. Ang pag-isyu ng Certificate of Eligibility for Status of Residence ay karaniwang tumatagal ng humigit-kumulang sa isa hanggang tatlong buwan, kaya kailangang mag-apply nang may sapat na oras. Kapag naibigay na ang Certificate of Eligibility for Status of Residence, mag-apply para sa visa sa lokal na embahada o konsulado. Sa paggawa ng aplikasyon para sa visa, siguruhing kumpirmahin ang website ng embahada o konsulado ng bawat bansa.
Pagdating sa Japan - pagkatapos dumating
STEP1Pumunta sa Japan
Pagsundo sa oras ng pagpasok sa bansa
Dalhin ang pasaporte, Certificate of Eligibility for Status of Residence, visa, at iba pa sa pagpunta sa Japan. May susundo pagdating sa Japan, kaya siguruhing makipag-ugnay nang maaga sa Rehistradong organisasyon na nagbibigay ng suporta o sa mga kawani ng kompanya upang kumpirmahin ang lugar ng tagpuan, at iba pa sa airport.
STEP2Simulan ang pamumuhay at pagtatrabaho sa Japan
Simula ng pamumuhay at pagtatrabaho sa Japan!
Pagdating sa Japan at pag-umpisa ng pamumuhay at pagtatrabaho, maaaring makatanggap ng orientation mula sa Rehistradong organisasyon na nagbibigay ng suporta o sa kompanya. Makinig sa mga dapat pag-ingatan sa pamumuhay at pagtatrabaho sa Japan, at magtanong kung may mga bagay na hindi nauunawaan.
STEP3Pagkalipas ng ilang panahon matapos dumating sa Japan
Pagkalipas ng ilang panahon matapos dumating sa Japan
Bagama't nasanay na sa pamumuhay sa Japan, may mga hindi akma o kumporme sa kompanyang pinasukan at nais magtrabaho sa ibang kompanya. Kung nais magpalit ng trabaho, maaaring gamitin ang Hello Work at iba pang mga serbisyo upang makahanap ng kompanyang nais lipatan (*). Tandaan lamang na bago magtrabaho sa ibang kompanya, kinakailangang baguhin ang status of residence. Kapag hindi nagawang baguhin ang sariling status of residence, ito ay ituturing na ilegal na pagtatrabaho.
*Pakitandaan lamang na hindi maaaring lumipat ng trabaho sa ibang larangan.
Kapag nagkaroon ng problema sa Japan
Kapag nagkaroon ng problema sa Japan, may mga tanggapan na maaaring lapitan para sa konsultasyon. Kapag may mga suliranin sa pamumuhay o pagtatrabaho sa Japan, huwag itong pasaning mag-isa. Gamitin ang mga consultation desks at iba pang suportang maaaring tanggapin.