







Isasagawa ang orientation meeting para sa mga dayuhang nakatira sa Japan at sa ibang bansa tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker na isang status of residence na nagbibigay ng permiso para makapagtrabaho sa loob ng Japan.
- Kailangang may entry
- Online session(Zoom)
-
Oktubre29,2025Miy.
-
Una4:00 ng hapon hanggang 4:45 ng hapon
- HaponInglesIndonesian
-
Pangalawa5:00 ng hapon hanggang 5:45 ng hapon
- HaponThaiVietnamese
Deadline para sa aplikasyon:Oktubre 22, 2025 (Miy.) -
-
Enero31,2026Sab.
-
Pangatlo4:00 ng hapon hanggang 4:45 ng hapon
- HaponInglesIndonesian
-
Pang-apat5:00 ng hapon hanggang 5:45 ng hapon
- HaponThaiVietnamese
Deadline para sa aplikasyon:Enero 24, 2026 (Sab.) -
Ano ang Specified Skilled Worker?
Ang status of residence na Specified Skilled Worker ay nilikha upang himukin ang mas aktibong papel ng mga dayuhan sa mga gawain sa Japan. Sa ilalim ng Specified Skilled Worker ay may status of residence (i) at status of residence (ii). Kumpara sa status of residence (i), kailangan ang mas dalubhasang kasanayan o specialized skills ang status of residence (ii). Sa kasalukuyan ay may 16 kategorya kung saan maaaring magtrabaho sa Specified Skilled Worker (i), at 11 kategorya kung saan maaaring magtrabaho sa Specified Skilled Worker (ii). Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kategorya, pakikumpirma sa sumusunod na "Mga industriya na kung saan maaaring magtrabaho bilang Specified Skilled Worker.

Industriya na maaaring gawin bilang Specified Skilled Worker
Para makapagtrabaho sa ilalim ng Specified Skilled Worker
Upang makapagtrabaho sa status of residence na Specified Skilled Worker, kinakailangang gawin at ipasa ang Japanese proficiency test at skill test (hindi na kailangang ipasa ang pagsusuri kapag matagumpay na nakapagtapos ng Technical Intern Training (ii). Subalit, kung sakaling nais magtrabaho sa ibang industriya na iba sa trabahong ginagawa sa Technical Intern Training, kailangang ipasa ang skill test sa industriya na kung saan nais magtrabaho.) Pagkatapos nito, kung gagawa ng kontrata sa kompanya, maaaring gawin ang aplikasyon para sa status of residence na Specified Skilled Worker. Pagkatapos maaprubahan ang aplikasyon ay maaaring magtrabaho bilang Specified Skilled Worker.

Mga katanungang madalas itanong
Q1 Sa kasalukuyan ay hindi pa ako kuwalipikado para magtrabaho bilang Specified Skilled Worker. Maaaring ba akong sumali sa orientation meeting tungkol sa sistema?
Maaaring sumali ang lahat ng mga dayuhang interesadong magtrabaho bilang Specified Skilled Worker.
Q2 Nakatira ako sa ibang bansa. Maaari ba akong sumali sa orientation meeting tungkol sa sistema?
Kahit sinumang may Internet at access sa Zoom ay maaaring sumali kahit saan man nakatira.
Q3 Ako ay kawani ng isang recruitment agency o Rehistradong organisasyon na nagbibigay ng suporta. Maaari ba akong sumali sa orientation meeting tungkol sa sistema?
Kung kaya, hindi maaaring gumawa ng aplikasyon sa pagsali ang mga kawani ng recruitment agency o Rehistradong organisasyon na nagbibigay ng suporta. Ang impormasyon tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker ay nakalathala sa website ng Immigration Services Agency (https://www.moj.go.jp/isa/applications/ssw/index.html), kaya pakikumpirma ito sa nabanggit na website.
Subalit, ang isang kawani ng recruitment agency o Rehistradong organisasyon na nagbibigay ng suporta ay maaaring dumalo kapag kasama ang isang dayuhan sa orientation meeting tungkol sa sistema.
Q4 Ako ay kawani ng host institution. Maaari ba akong sumali sa orientation meeting tungkol sa sistema?
Kung kaya, hindi maaaring gumawa ng aplikasyon sa pagsali ang mga kawani ng host institution. Ang impormasyon tungkol sa sistema ng Specified Skilled Worker ay nakalathala sa website ng Immigration Services Agency (https://www.moj.go.jp/isa/applications/ssw/index.html), kaya pakikumpirma ito sa nabanggit na website.
Q5 May iba pa bang mga events kaugnay sa Specified Skilled Worker bukod sa orientation meeting tungkol sa sistema?
Ang impormasyon tungkol sa mga events ay nakalathala sa Pangkalahatang support website para sa Specified Skilled Worker (https://www.ssw.go.jp/tl/eventfields/), kaya pakikumpirma ito sa nabanggit na website.
-
Para sa mga katanungan kaugnay sa orientation meeting tungkol sa sistemaRhino Connect Inc.
- Address:
- B1F BUREX Kojimachi, 3-5-2 Kojimachi, Chiyoda-ku, Tokyo Postal Code: 102-0083
- Email:
- tokuteiginou@plan-sms.co.jp
Oras ng pagtanggap: 10:00-17:00